Posts Tagged ‘News Update’

Korina Sanchez at Mar Roxas nagkasundo sa prenup agreement

Hunyo 24, 2009

Bago ikasal sa darating na panahon, pipirma sina Korina at Mar sa prenuptial agreement para hindi maging balakid sa kanilang pag-iibigan ang anumang usapin ng ari-arian.

korinaatmar

Nang mainterview sa the buzz ang dalawang nag-iibigan, eto ang naging pahayag ni Senator Mar Roxas ng matanong tungkol sa prenuptial agreement, “Simpleng simple lang naman yan Kris eh, what is hers is hers, what is mine is also hers.”

Kinilig si Kris sa mga sagot ng senador at kinlaro kung wala nang magaganap na prenup. At eto ang naging tugon ni Korina dito, “I think we should. Feeling ko lang kasi hindi siguro dapat manggaling kay Mar yon. Pero sa akin, para malinis, maayos, kailangan palagay ko meron talaga. Because buong-buo na siya noong nagkakilala kami. Ako rin, buong-buo na rin. You know I have my own investments and he has his own properties and stuffs so para malinis. Maganda na yon isantabi mo na yon para pagkatapos ng prenup, loving loving na ulit.”

 

Sa aking pananaw:    Naguguluhan ako, ang dating sa akin naggagamitan lang sila at hindi totoong nagmamahalan. Kasi para sa kin, kung talagang nagmamahalan kayo ng tapat, walang pwedeng humadlang kahit na anumang mga ari-arian pa. Bakit sila masyadong naninigurado?  Wala ba silang planong magsama ng matagal at panghabang-buhay?

Advertisements

Paggunita sa anibersaryo ng barkong MV Princess of the Stars

Hunyo 24, 2009

Noong June 22, nagdiwang ng unang anibersaryo simula ng lumubog ang barkong MV Princess of the Stars dahil sa bagyong “Frank.”

mvprincess

33 ang nakaligtas sa insidente at 38 naman ang unidentified victims – nailibing na kasabay ng pagdiwang ng anibersaryo ng trahedya. Mahigit sa 300 ang hindi pa narerecover at umaasa ang mga kaanak nang mga nawawala pa, na matagpuan na ang mga bangkay ng mga ito.

Kaalunsunod dito, pinakakasuhan naman ng Department of Justice (DOJ) ang may ari ng ahensiya at ang kapitan ng barko na si Capt. Florencio Marimon dahil sa pagpilit nitong lumayag noong kalakasan ng bagyong Frank.

Naway mabigyan ng hustisya ang mga nasawi at nabiktima ng trahedya. At sabay sabay tayong magdasal para sa katahimikan ng mga kaluluwa ng mga pumanaw sa insidente.