Posts Tagged ‘Anne Curtis’

Anne Curtis, nilooban ang bahay…

Hulyo 16, 2009

anne-greenwich-3

Sa press conference ng Greenwich ni Anne Curtis, kinagulat nang marami ng ibalita niya na may nanloob sa bago nyang bahay. Habang abala siya sa kanyang taping noong madaling araw ng Martes, pinasok ang tahanan nito. Dumaan ang mga magnanakaw sa bintana.

Sabi nang bida ng “The Wedding”, mga damit at bags lang daw ang nakuha, na medyo nakakapagtaka naman. Mabuti rin daw at walang nasaktan sa panloloob. Naniniwala siya na may dahilan sa pangyayaring ito, bagamat hiling nya na huwag nang maulit pa ito.

“The Wedding” starring Anne Curtis, Derek Ramsay & Zanjoe Marudo

Hulyo 7, 2009

Simula ng ipalabas ang “the wedding” sa primetime bida, lagi ko tong inaabangan. Hindi lang dahil sa gusto ko ang mga bida dito kundi dahil naaaliw din akong talaga.

Sa nabasa kong article, eto ang ibang pangyayari, nangyari at mangyayari… Si Candice de Menes (Anne), isang single rich girl na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Dahil sa ayaw ni Candice maghiwalay ang mga magulang niya, gumawa sya ng paraan para mapigilan ito. Ang ginawa nya kahit hindi nya talga gusto si Marlon (Zanjoe Marudo) — trabahador sa company nang Dad ni Candice, nagpa-engage sya rito para maloka ang parents nya. Pero magba-backfire naman ang plano ni Anne dahil totoong ma-i-in love siya kay Zanjoe. Saka naman papasok sa eksena si Derek upang ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Anne.