Pops at Jomari, nagdedmahan!

Hunyo 19, 2009

jomaripos

 Nagkitang muli sina Pops Fernandez at Jomari Yllana sa burol nang yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Malakas ang ugong ng balita na hindi raw nagpansinan ang dalawa. Gaano kaya ito katotoo?

Nang mainterview si Jomari pinasinungalingan nya ito at sinabing, “That’s not true! I approached her as soon as I saw her and I greeted her. Hindi lang kami machika pero ok sa kin yon. Nagbabatian kami, first step yon after a while. Alam mo ayon ang magic ni Dougs talaga. He’s really a peacemaker.”

Advertisements

Megastar balik Pnas

Hunyo 19, 2009

sharon

Megastar Sharon Cuneta bumalik na sa ating bansa galing US at Canada. Naging matagumpay ang kanyang mega-thirty concert tour s mga bansang nabanggit. Bagamat naging successful ito, marami namang nanuod ang nabitin dito dahil sa matagal tagal raw bago nakabisita ulit doon si Sharon. Kaya naman hiling nila, more concert tour pa sana sa megastar. Isa pang good news dito, sold out ang ticket sa lahat ng concert venue ni mega. Nabalot ng luha at saya ang mga beloved supporters kaya laking tuwa naman nya dito at napasaya nya ang mga kababayan sa ibang bansa.

Kasama nya sa nasabing concert ang kanyang anak kay Gabby na si KC Concepcion, as her special guest. Kinanta nilang dalawa ang isa sa paborito ng Sharonians, ang “Dear Heart”. Nandun din ang dalawa pang anak ni Sharon na si Frankie at Miel para sumuporta sa kanya, at ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan.

Baby James ringbearer sa kasalanang Mar-Korina

Hunyo 19, 2009

Bagamat nagkaron ng konting tampo si Ms. Kris kay Korina… Kumpirmado na! Baby James, anak ni Kris Aquino kay James Yap, magiging ring bearer sa kasalang Mar Rojas at Korina Sanchez ngayong taon na to. Excited si Ms. Kris at ngayon pa lang magiging abay (ring bearer) ang anak nya sa basketbolista.

Iba talaga maging nanay ang isang Kris Aquino… Napaka-alaga na, supportive pa. For sure kung tahakin ni baby james ang pag-aartista, malamang sa malamang maging ulirang stage mother ang nag-iisang Queen of Talk.

Kumusta sa inyong lahat!

Hunyo 19, 2009

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!