Archive for the ‘Tayong Dalawa’ Category

Buhay si Ramon ng “Tayong Dalawa”

Hulyo 17, 2009

I’m so happy to know na buhay si Ramon Lagumberri (Coco Martin) ng Tayong Dalawa.. Yehey! Sabi na eh, tama ang hinala at nararamdaman  ko. Panu na ang magiging flow ng teleserye kung wala si Ramon? Hehehe…

cocomartin

Iba talaga ang bilib ko sa kanya. Magaling magportray as kontrabida. Hindi pa nagsasalita, kitang-kita na ang character nya.. Oh well, buntis si Greta (Alex de Rossi) kay Ramon. Kaya lang hindi pa alam ni Ramon. Ano kaya ang magiging reaction niya kung ang ipalalabas ni Greta sa madla ay anak nya yon kay Jr(Gerald Anderson)? Patay na! Magagalit na naman si Ramon nyan. Grrr… Sabay sabay nating abangan kung ano ang gagawin nang bagong Ramon dito. =)

Advertisements

Ramon of “Tayong Dalawa”, pinatay na?

Hulyo 14, 2009

ramon_coco

Nanuod ako kagabi nang “Tayong Dalawa”… Actually, gabi-gabi inaantay ko talaga  sya. Hindi lang dahil sa story perse kundi dahil rin sa galing ng mga actors.

Bilib na bilib ako hindi lang sa mga bida dito pati na rin sa kontrabida na si Ramon (Coco Martin). Grabe ang acting nya, nakakadala! Pati asawa ko, hangang-hanga sa kanya at minsang nahuhuli kong ginagaya nya ang character ni Ramon. Hehehe. Kaya talagang naaaliw kami sa panunuod at talagang iniintay namin ang paglabas ni Ramon. Kaya nga kagabi medyo nalungkot kami sa pagpatay sa character ni Ramon sa teleserye. Huhuhu, ano pa ang aaabangan namin kung wala na ang magaling na kontrabida, mukha pa lang talagang nakakabilib na.

Sana tama ang naiisip ko. Feeling ko kasi ang nangyari nagpatay-patayan si Ramon tapos nung nakasakay na sya sa Emergency Van, pinasabog nya ito at tumakas. Sana tama talaga ang nararamdaman ko para makita pa namin si Ramon hanggang sa katapusan ng “Tayong Dalawa.”

We really do love Coco Martin’s character  as Ramon. Go go go!!!