Archive for Hunyo, 2009

Tayong dalawa telenobela

Hunyo 24, 2009

tayong2

Bakit nung nanuod ako kagabi ng tayong dalawa, ibang Jr (Gerard Anderson) ang napansin ko?  Mukha siyang siga at barumbado na. Tinulungan na nga sya ni Dave (Jake Cuenca) sa mga preso na umaatake sa kanya, hindi man lang nagawang magpasalamat. Ok, marahil dahil nga nawawalan na siya ng pag-asang makalaya.

Pero pansin nyo ba ang pagswitch ng character ng dalawa (sina Jr at Dave)?  Nagmukhang mabait si Dave at parang nakukunsensya na sa pagdiin kay Jr dati. Parang gusto na nya tulungan itong makalaya pero ano nga kaya ang mangyayari?

Sa napanuod kong trailer kanina, parang sasanib na sa mga rebelde si Jr at feeling nya kase ay nabaliwala na ang serbisyong binigay nya sa militar. Anu nga kaya ang mangyayari?  Excited ako manuod mamaya. Hindi ko to papalampasin.

Korina Sanchez at Mar Roxas nagkasundo sa prenup agreement

Hunyo 24, 2009

Bago ikasal sa darating na panahon, pipirma sina Korina at Mar sa prenuptial agreement para hindi maging balakid sa kanilang pag-iibigan ang anumang usapin ng ari-arian.

korinaatmar

Nang mainterview sa the buzz ang dalawang nag-iibigan, eto ang naging pahayag ni Senator Mar Roxas ng matanong tungkol sa prenuptial agreement, “Simpleng simple lang naman yan Kris eh, what is hers is hers, what is mine is also hers.”

Kinilig si Kris sa mga sagot ng senador at kinlaro kung wala nang magaganap na prenup. At eto ang naging tugon ni Korina dito, “I think we should. Feeling ko lang kasi hindi siguro dapat manggaling kay Mar yon. Pero sa akin, para malinis, maayos, kailangan palagay ko meron talaga. Because buong-buo na siya noong nagkakilala kami. Ako rin, buong-buo na rin. You know I have my own investments and he has his own properties and stuffs so para malinis. Maganda na yon isantabi mo na yon para pagkatapos ng prenup, loving loving na ulit.”

 

Sa aking pananaw:    Naguguluhan ako, ang dating sa akin naggagamitan lang sila at hindi totoong nagmamahalan. Kasi para sa kin, kung talagang nagmamahalan kayo ng tapat, walang pwedeng humadlang kahit na anumang mga ari-arian pa. Bakit sila masyadong naninigurado?  Wala ba silang planong magsama ng matagal at panghabang-buhay?

Paggunita sa anibersaryo ng barkong MV Princess of the Stars

Hunyo 24, 2009

Noong June 22, nagdiwang ng unang anibersaryo simula ng lumubog ang barkong MV Princess of the Stars dahil sa bagyong “Frank.”

mvprincess

33 ang nakaligtas sa insidente at 38 naman ang unidentified victims – nailibing na kasabay ng pagdiwang ng anibersaryo ng trahedya. Mahigit sa 300 ang hindi pa narerecover at umaasa ang mga kaanak nang mga nawawala pa, na matagpuan na ang mga bangkay ng mga ito.

Kaalunsunod dito, pinakakasuhan naman ng Department of Justice (DOJ) ang may ari ng ahensiya at ang kapitan ng barko na si Capt. Florencio Marimon dahil sa pagpilit nitong lumayag noong kalakasan ng bagyong Frank.

Naway mabigyan ng hustisya ang mga nasawi at nabiktima ng trahedya. At sabay sabay tayong magdasal para sa katahimikan ng mga kaluluwa ng mga pumanaw sa insidente.

Willie Revillame’s new look

Hunyo 22, 2009

willierevillame

Last Saturday, June 20 nagbalik na sa Wowowee ang main host na si Willie Revillame galing sa pagkakaospital sa St Lukes dahil sa pneumonia. Nung nakita ko siya para siyang hindi nagkasakit, mukha lang syang nagbakasyon at nagpahinga dahil sa kanyang magandang “aura”.  Inisip ko kung anu ang nabago sa kanya until I found out ung new hair style nya.

Nagmukhang bata ang looks  nya sa magandang cut ng hair nya ngayon. He’s like 10 years younger as in, walang biro! Plus nagmukha siyang mabango talaga. Im not saying na hindi siya mabango ah. What  I mean is mas lalo siyang naging mabango sa paningin ko. Oh well, iba talaga ata pag may inspiration ka. Mas lalo ka nagiging bata.

Sana next time, may bagong pasabog si Will na makakapagbulagaulit  sa atin. God bless Wowowee!!!

Pops at Jomari, nagdedmahan!

Hunyo 19, 2009

jomaripos

 Nagkitang muli sina Pops Fernandez at Jomari Yllana sa burol nang yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Malakas ang ugong ng balita na hindi raw nagpansinan ang dalawa. Gaano kaya ito katotoo?

Nang mainterview si Jomari pinasinungalingan nya ito at sinabing, “That’s not true! I approached her as soon as I saw her and I greeted her. Hindi lang kami machika pero ok sa kin yon. Nagbabatian kami, first step yon after a while. Alam mo ayon ang magic ni Dougs talaga. He’s really a peacemaker.”

Megastar balik Pnas

Hunyo 19, 2009

sharon

Megastar Sharon Cuneta bumalik na sa ating bansa galing US at Canada. Naging matagumpay ang kanyang mega-thirty concert tour s mga bansang nabanggit. Bagamat naging successful ito, marami namang nanuod ang nabitin dito dahil sa matagal tagal raw bago nakabisita ulit doon si Sharon. Kaya naman hiling nila, more concert tour pa sana sa megastar. Isa pang good news dito, sold out ang ticket sa lahat ng concert venue ni mega. Nabalot ng luha at saya ang mga beloved supporters kaya laking tuwa naman nya dito at napasaya nya ang mga kababayan sa ibang bansa.

Kasama nya sa nasabing concert ang kanyang anak kay Gabby na si KC Concepcion, as her special guest. Kinanta nilang dalawa ang isa sa paborito ng Sharonians, ang “Dear Heart”. Nandun din ang dalawa pang anak ni Sharon na si Frankie at Miel para sumuporta sa kanya, at ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan.

Baby James ringbearer sa kasalanang Mar-Korina

Hunyo 19, 2009

Bagamat nagkaron ng konting tampo si Ms. Kris kay Korina… Kumpirmado na! Baby James, anak ni Kris Aquino kay James Yap, magiging ring bearer sa kasalang Mar Rojas at Korina Sanchez ngayong taon na to. Excited si Ms. Kris at ngayon pa lang magiging abay (ring bearer) ang anak nya sa basketbolista.

Iba talaga maging nanay ang isang Kris Aquino… Napaka-alaga na, supportive pa. For sure kung tahakin ni baby james ang pag-aartista, malamang sa malamang maging ulirang stage mother ang nag-iisang Queen of Talk.

Kumusta sa inyong lahat!

Hunyo 19, 2009

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!