“Only You” of ABS-CBN

Hulyo 23, 2009

I’ve been watching “Only you” starring Anggel Locsin, Sam Milby & Diether Ocampo, for the past few weeks. Medyo affected na rin ako kase masyadong feeling talaga tong si Jonathan (Diether Ocampo) sa anak nila Jillian (Angel Locsin) at Tj (Sam Milby) na si Joshua. Panu nga naman magiging close ang totoong mag-ama kung laging nandyan si Jonathan kay Joshua. Hindi nya bigyan ng chance si Tj para naman mapalapit ang bata sa ama. Kala ko ba tanggap na nya na hindi na mapapasakanya si Jillian, e bakit pumapapel sya ngayon? Knowing galing pa naman sya sa isang retreat, expected ko mag-gi-giveway na siya, hindi pala… Mas lumala pa siya, mukhang hindi nakatulong ang retreat sa kanya… Grrrr…. Sana maisip nya at talagang matanggap na nya na hindi sa kanya si Joshua nor si Jillian. Kay Trixie na lang siya.

Buhay si Ramon ng “Tayong Dalawa”

Hulyo 17, 2009

I’m so happy to know na buhay si Ramon Lagumberri (Coco Martin) ng Tayong Dalawa.. Yehey! Sabi na eh, tama ang hinala at nararamdaman  ko. Panu na ang magiging flow ng teleserye kung wala si Ramon? Hehehe…

cocomartin

Iba talaga ang bilib ko sa kanya. Magaling magportray as kontrabida. Hindi pa nagsasalita, kitang-kita na ang character nya.. Oh well, buntis si Greta (Alex de Rossi) kay Ramon. Kaya lang hindi pa alam ni Ramon. Ano kaya ang magiging reaction niya kung ang ipalalabas ni Greta sa madla ay anak nya yon kay Jr(Gerald Anderson)? Patay na! Magagalit na naman si Ramon nyan. Grrr… Sabay sabay nating abangan kung ano ang gagawin nang bagong Ramon dito. =)

Anne Curtis, nilooban ang bahay…

Hulyo 16, 2009

anne-greenwich-3

Sa press conference ng Greenwich ni Anne Curtis, kinagulat nang marami ng ibalita niya na may nanloob sa bago nyang bahay. Habang abala siya sa kanyang taping noong madaling araw ng Martes, pinasok ang tahanan nito. Dumaan ang mga magnanakaw sa bintana.

Sabi nang bida ng “The Wedding”, mga damit at bags lang daw ang nakuha, na medyo nakakapagtaka naman. Mabuti rin daw at walang nasaktan sa panloloob. Naniniwala siya na may dahilan sa pangyayaring ito, bagamat hiling nya na huwag nang maulit pa ito.

Ramon of “Tayong Dalawa”, pinatay na?

Hulyo 14, 2009

ramon_coco

Nanuod ako kagabi nang “Tayong Dalawa”… Actually, gabi-gabi inaantay ko talaga  sya. Hindi lang dahil sa story perse kundi dahil rin sa galing ng mga actors.

Bilib na bilib ako hindi lang sa mga bida dito pati na rin sa kontrabida na si Ramon (Coco Martin). Grabe ang acting nya, nakakadala! Pati asawa ko, hangang-hanga sa kanya at minsang nahuhuli kong ginagaya nya ang character ni Ramon. Hehehe. Kaya talagang naaaliw kami sa panunuod at talagang iniintay namin ang paglabas ni Ramon. Kaya nga kagabi medyo nalungkot kami sa pagpatay sa character ni Ramon sa teleserye. Huhuhu, ano pa ang aaabangan namin kung wala na ang magaling na kontrabida, mukha pa lang talagang nakakabilib na.

Sana tama ang naiisip ko. Feeling ko kasi ang nangyari nagpatay-patayan si Ramon tapos nung nakasakay na sya sa Emergency Van, pinasabog nya ito at tumakas. Sana tama talaga ang nararamdaman ko para makita pa namin si Ramon hanggang sa katapusan ng “Tayong Dalawa.”

We really do love Coco Martin’s character  as Ramon. Go go go!!!

“The Wedding” starring Anne Curtis, Derek Ramsay & Zanjoe Marudo

Hulyo 7, 2009

Simula ng ipalabas ang “the wedding” sa primetime bida, lagi ko tong inaabangan. Hindi lang dahil sa gusto ko ang mga bida dito kundi dahil naaaliw din akong talaga.

Sa nabasa kong article, eto ang ibang pangyayari, nangyari at mangyayari… Si Candice de Menes (Anne), isang single rich girl na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Dahil sa ayaw ni Candice maghiwalay ang mga magulang niya, gumawa sya ng paraan para mapigilan ito. Ang ginawa nya kahit hindi nya talga gusto si Marlon (Zanjoe Marudo) — trabahador sa company nang Dad ni Candice, nagpa-engage sya rito para maloka ang parents nya. Pero magba-backfire naman ang plano ni Anne dahil totoong ma-i-in love siya kay Zanjoe. Saka naman papasok sa eksena si Derek upang ibalik ang dating pagtitinginan nila ni Anne.

Ruffa Gutierrez & John Lloyd Cruz, nagcheck-in nga ba sa LA Hotel?

Hulyo 4, 2009

JLC-with-RG-at-Beverly-Hills-Hotel1

Pwedeng totoo ito dahil sa mga litratong kuha. Pero pwede rin namang napadaan lamang sila rito para dito magkita.  Kayo na lang ang humusga. Eto ang istorya mula sa mga naglalabasang report.

Ayon sa source ng Pinoy Parazzi,  nakitang magkasamang nagcheck-in nga ang dalawa sa  SLS Beverly Hills Hotel sa Los Angeles, California nito lang June 22.  Pagkarating sa hotel ay masayang nagbibiruan sina Ruffa at John Lloyd at pansin raw ng isang staff ang malalagkit na tinginan ng dalawa habang papasok sa nasabing hotel.

Kilala at sikat ang hotel na yon kung kaya’t karamihan ng mga bigating artista na gustong makapagrelax at makatikim ng masasarap na pagkain ay dun nagche-check-in. Kagaya na lang nang music icon na si Sting at ang hardcourt idol na si Kobe Bryant, ay kapareha rin nila Ruffa na nakacheck in sa lugar na yon.

Ang tanong ngayon, magkasama kaya sa iisang kwarto ang dalawa? Hmmm… anu kaya ang masasabi ni Annabelle Rama dito?

Tayong dalawa telenobela

Hunyo 24, 2009

tayong2

Bakit nung nanuod ako kagabi ng tayong dalawa, ibang Jr (Gerard Anderson) ang napansin ko?  Mukha siyang siga at barumbado na. Tinulungan na nga sya ni Dave (Jake Cuenca) sa mga preso na umaatake sa kanya, hindi man lang nagawang magpasalamat. Ok, marahil dahil nga nawawalan na siya ng pag-asang makalaya.

Pero pansin nyo ba ang pagswitch ng character ng dalawa (sina Jr at Dave)?  Nagmukhang mabait si Dave at parang nakukunsensya na sa pagdiin kay Jr dati. Parang gusto na nya tulungan itong makalaya pero ano nga kaya ang mangyayari?

Sa napanuod kong trailer kanina, parang sasanib na sa mga rebelde si Jr at feeling nya kase ay nabaliwala na ang serbisyong binigay nya sa militar. Anu nga kaya ang mangyayari?  Excited ako manuod mamaya. Hindi ko to papalampasin.

Korina Sanchez at Mar Roxas nagkasundo sa prenup agreement

Hunyo 24, 2009

Bago ikasal sa darating na panahon, pipirma sina Korina at Mar sa prenuptial agreement para hindi maging balakid sa kanilang pag-iibigan ang anumang usapin ng ari-arian.

korinaatmar

Nang mainterview sa the buzz ang dalawang nag-iibigan, eto ang naging pahayag ni Senator Mar Roxas ng matanong tungkol sa prenuptial agreement, “Simpleng simple lang naman yan Kris eh, what is hers is hers, what is mine is also hers.”

Kinilig si Kris sa mga sagot ng senador at kinlaro kung wala nang magaganap na prenup. At eto ang naging tugon ni Korina dito, “I think we should. Feeling ko lang kasi hindi siguro dapat manggaling kay Mar yon. Pero sa akin, para malinis, maayos, kailangan palagay ko meron talaga. Because buong-buo na siya noong nagkakilala kami. Ako rin, buong-buo na rin. You know I have my own investments and he has his own properties and stuffs so para malinis. Maganda na yon isantabi mo na yon para pagkatapos ng prenup, loving loving na ulit.”

 

Sa aking pananaw:    Naguguluhan ako, ang dating sa akin naggagamitan lang sila at hindi totoong nagmamahalan. Kasi para sa kin, kung talagang nagmamahalan kayo ng tapat, walang pwedeng humadlang kahit na anumang mga ari-arian pa. Bakit sila masyadong naninigurado?  Wala ba silang planong magsama ng matagal at panghabang-buhay?

Paggunita sa anibersaryo ng barkong MV Princess of the Stars

Hunyo 24, 2009

Noong June 22, nagdiwang ng unang anibersaryo simula ng lumubog ang barkong MV Princess of the Stars dahil sa bagyong “Frank.”

mvprincess

33 ang nakaligtas sa insidente at 38 naman ang unidentified victims – nailibing na kasabay ng pagdiwang ng anibersaryo ng trahedya. Mahigit sa 300 ang hindi pa narerecover at umaasa ang mga kaanak nang mga nawawala pa, na matagpuan na ang mga bangkay ng mga ito.

Kaalunsunod dito, pinakakasuhan naman ng Department of Justice (DOJ) ang may ari ng ahensiya at ang kapitan ng barko na si Capt. Florencio Marimon dahil sa pagpilit nitong lumayag noong kalakasan ng bagyong Frank.

Naway mabigyan ng hustisya ang mga nasawi at nabiktima ng trahedya. At sabay sabay tayong magdasal para sa katahimikan ng mga kaluluwa ng mga pumanaw sa insidente.

Willie Revillame’s new look

Hunyo 22, 2009

willierevillame

Last Saturday, June 20 nagbalik na sa Wowowee ang main host na si Willie Revillame galing sa pagkakaospital sa St Lukes dahil sa pneumonia. Nung nakita ko siya para siyang hindi nagkasakit, mukha lang syang nagbakasyon at nagpahinga dahil sa kanyang magandang “aura”.  Inisip ko kung anu ang nabago sa kanya until I found out ung new hair style nya.

Nagmukhang bata ang looks  nya sa magandang cut ng hair nya ngayon. He’s like 10 years younger as in, walang biro! Plus nagmukha siyang mabango talaga. Im not saying na hindi siya mabango ah. What  I mean is mas lalo siyang naging mabango sa paningin ko. Oh well, iba talaga ata pag may inspiration ka. Mas lalo ka nagiging bata.

Sana next time, may bagong pasabog si Will na makakapagbulagaulit  sa atin. God bless Wowowee!!!